Ano ang burial assistance program?

  • Ito ay benepisyong ipagkakaloob ng ORMECO, Inc. sa mga namatay na member-consumers o kasapi nito.

Ano ang mga layunin ng programang ito?

  • Makapagkaloob ng nararapat na benepisyo para sa mga kasapi tulad ng burial/financial assistance.

Sino ang may karapatan na makinabang sa Burial Assistance Program ng ORMECO?

  • Sinumang kasapi ng ORMECO na itinuturing na member of good standing ay may karapatan na makinabang sa Burial Assistance Program ng ORMECO.

Maituturing ang isang member-consumer na good standing kung siya ay:

  • Walang pagkakautang sa kanyang power bill sa looban ng tatlong buwan;
  • Hindi kailanman nahuli na nagnanakaw ng kuryente o lumabag sa Republic Act No. 7832 – Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994;
  • Hindi kailanman natanggal bilang director o empleyado ng ORMECO.

Magkano ang benepisyong matatanggap mula sa ORMECO ng naiwang pamilya ng namatay na kasapi?

  • Maaring makatanggap ng halagang Limang Libong Piso (PhP5,000.00) ang pamilya ng namatay na kasapi.

Maaari pa rin bang makinabang sa burial assistance kung disconnected ang account at may utang?

  • Oo, subalit maaaring ibawas ng ORMECO ang halaga ng benepisyo o bahagi nito para maibawas sa pagkakautang sa power bill ng namatay member- consumer.

Sino ang maaaring maging beneficiary ng namatay na kasapi?

Ang mga legal na tagapagmana ng namatay na miyembro batay sa sumusunod na pagkakasunod-sunod :

  • Legal na asawa;
  • Mga anak;
  • Ang mga Magulang;
  • Kapatid

Anu-ano ang mga kinakailangang isumiteng dokumento para makakuha ng Burial Assistance?(1-original, 2 duplicates)

  • Death Certificate
  • Marriage Certificate (kung ang beneficiary ay asawa)
  • Birth Certificate (kung ang beneficiary ay alinman sa sumusunod:ChildrenParentsSiblingsD. Special Power of Attorney (SPA)
  • Valid ID (Claimant / Beneficiary)
  • Any proof of membership of the deceasedORMECO Power BillORMECO Membership IDORMECO Membership Certificate / ORG. 1×1 ID Picture (2pcs)
  • Latest Cedula

Paano mag-a-apply para makakuha ng burial assistance?

  • Magsadya lamang sa ORMECO Main Office, Brgy. Sta. Isabel, Calapan City o sa District Office na nakakasakop sa inyong lugar dala ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at mag-fill-up ng application form. Ang lahat ng aplikasyon ay ipo-proseso ng ISD-MSD at siyang magbibigay ng abiso kung kalian at saan maaring makuha ang naturang benepisyo