Change Name Policy
PATAKARAN SA PAGPAPALIPAT NG PAGMAMAY-ARI NG KONEKSYON NG KURYENTE O PAGBABAGO/PAGWAWASTO NG PANGALAN SA POWER BILL (ORMECO, Inc. Policy No. : 08-29 Approved by the ORMECO, Inc. Board of Directors by virtue of Board Resolution No. 15-025 on February 18, 2015)
Ang mga kahilingan para sa paglipat ng pagmamay-ari / pagbabago ng pangalan / pagwawasto ng clerical error sa pangalan ng mga rehistradong consumer ay dapat na isinumite sa CCWDO / CWDO.
Ang aplikante ay dapat na isang miyembro ng kooperatiba. Kung sakali’t siya ay hindi pa miyembro, siya ay dapat na dumalo sa Pre- Membership Seminar , mag-apply para sa pagiging kasapi ng kooperatiba at magbayad Limang Pisong ( PhP5.00 ) Membership Fee ;
Kinakailangan isumite sa Member-Consumer Services, Power Use & Housewiring Section sa ORMECO Main Office o sa District Office ang Statement of Account / Power Bill at anumang sa mga sumusunod na kinakailangan para sa pagbabago ng pangalan / paglipat ng pagmamay-ari:
Letter of Authorization / Waiver mula sa kasalukuyang rehistradong may-ari ng metro na nagpapahintulot sa ORMECO , Inc. na baguhin ang pangalan o ilipat sa bagong may-ari o lehitimong kahalili ;
Kopya ng kasulatan ng bentahan o Deed of Absolute Sale;
Kopya ng Death Certificate ( kung ang transfer ay mula sa namatay na may-ari sa kanyang successor);
Barangay Certification na nagsasabi na siya ang tunay na may-ari ng bahay o establisyemento na kung saan may koneksyon ang ORMECO, Inc.;
Kopya ng isang valid identification card ng naglilipat at paglilipatan (kung ang paglilipat ay mula sa namatay na may-ari sa kanyang / successor, valid identification card na lamang ng paglilipatan ang kinakailangan).
Ang naglilipat at pinaglilipatan ay kinakailangang parehong magsadya sa tanggapan ng ORMECO upang masiguro mula sa kanila na ganap nilang naunawaan ang kanilang mga kahilingan. Kung hindi makapagsadya sa opisina ang alinman naglilipat o pinaglilipatan, kinakailangan na ang isusumiteng dokumento ay notaryado.
Kung ang naglilipat ay hindi na magkaroon koneksyon ng kuryente pagkatapos ang paglilipat , kinakailangan na siyang magsumite ng isang Waiver na nagpapahintulot sa ORMECO , Inc. na tanggalin ang kanyang pangalan sa Talaan ng mga Kasapi / Masterlist
Walang paglipat ng pagmamay-ari / pagbabago ng pangalan / pagwawasto ng clerical error sa pangalan sa power bill kung ang taong naglilipat o pinaglilipatan ay may record ng pagnanakaw ng kuryente o nahuling lumabagg sa Republic Act No. 7832 ;
Hindi maaaring maglipat ng pagmamay-ari at magbago ng pangalan kung may pagkakautang sa power bill. Gayunman, ang pagwawasto ng clerical error sa pangalan ay tatanggapin (kailangang magsumite ng kopya ng birth certificate).
Kinakailangang tiyakin ng MSD chief na maabisuhan ang aplikante hinggil sa estado ng kanyang kahilingan sa looban ng labinlimang (15) araw.